Sa pamamagitan ng EPS ACCOUNT doon mo malalaman kung may EMPLOYMENT PERMIT ISSUANCE (EPI) kana .Lahat ng pumasa sa TOPIK EXAM ay ito ang hinihintay dahil kapag nag-karoon kana nito sigurado ay makakaalis ka papuntang KOREA basta huwag lamang mag-kakaroon ng problema sa mga MEDICAL EXAMS o hindi ikakansela ng employer mo ang kontrata.
Meron din naman na kahit may kontrata at visa na, may mga nakakansela parin dahil ito sa may kadahilanan ang employer.Ang mga ganitong problema ay umuulit sa umpisa, maghihintay ka uli ng EPI o hintayin mo uling ma-select ka.
Kapag alam mong nakapasa ka at nakagawa kana ng EPS ACCOUNT, kailangan mong pumunta sa mga accredited clinic ng gobyerno (POEA) upang mag-pamedical. Dahil ito ay kinakailangan upang ipasa ang iyong mga impormasyon sa HRD KOREA at upang mapasali ang iyong pangalan sa JOB ROSTER.Ang Validity ng Roster ay nagtatagal lamang ng isang taon. Ngunit maari itong irenew
PAALALA:
Kailangan ingatan ang ating kalusugan upang hindi magkaroon ng problema ang atin medical.Isa ito sa napaka importante na hindi dapat magkaroon ng problema sa dugo o sa baga.Marami din ang hindi pumapasa sa medical dahil sila ay may problema sa kalusugan at may mga napapauwi din na nasa korea na dahil may nakikitang problema lalo na sa baga.
Maari kang makaligtas sa mga medical sa pilipinas at maari mo itong dayain ngunit hindi mo ito magagawa kapag nasa korea na.Dahil sila ay napaka higpit pagdating sa medical.
Huwag ng ipilit ang sarili sa pag-aabroad sa korea kung alam mong hindi pwede,kung sa palagay mo ay may problema sa kalusugan mo, kailangan mo munang magpagaling bago mag-abroad upang hindi masayang ang lahat ng pagod at effort na gagawin mo.Higit sa lahat upang hindi masayang ang mga gagastusin mo.
Narito ang mga hakbang:
1. Pumunta sa mga mga ACCREDITED CLINIC ng gobyerno at mag-pamedical
2. Pagkatapos mag-pamedical.Pumunta sa POEA at humingi ng form upang ifill-up. Magtanong na lamang sa guard kung hindi alam kung saan pwede humingi ng form.
SAMPLE FORM
3.Ipasa ang FORM, MEDICAL (Xerox Copy lamang) kasama ang iyong PASSPORT SCAN at may ibibigay na stab na katunayan na ikaw ay nakapag pasa na at kung minsan naman ay walang stab.
4.DATA
- Mag-hintay nang hanggang anim na linggo (6 weeks) Upang mag-karoon ng data ang iyong eps account o minsan mas napapa-aga ang pagkakaroon ng data.
- Kapag lumipas ang anim na linggo at wala pang data ang iyong account. Maari kang tumawag sa poea at Ifollow-up ito.
- Numero na maaaring tawagan sa poea (02) 722-1146
NO DATA
AFTER 6 WEEKS
(Ang nakikitang numero na katabi ng PASS ay ang iyong score na nakuha sa exam, hatiin ito sa dalawa (44/2=22),
5. APPROVAL
- Hintayin kung kelan ito i-aaprove ng HRD-KOREA.
- Kailangan ang approval upang masali ang iyong pangalan sa JOB ROSTER,kung walang approval walang tyansa na mapasama sa MASSIVE SELECTION o walang tyansa na maselect ng employer.
- Umaabot ito ng hanggang dalawang buwan (2months) o higit pa,kung minsan mas napapa-aga pa ito.
6. EPI (EMPLOYMENT PERMIT ISSUANCE)
- Maghintay ng MASSIVE SELECTION o minsan kahit hindi massive ay pumipili ang employer at mag-abang kung ikaw ay maswerteng mapipili ng employer.Makikita sa iyong account ang ISSUED kapag naselect ka ng employer.
- Matagal dumating ang EPI minsan ay umaabot ito ng taon o mahigit pa. Kaya huwag na huwag kang mawalan ng pag-asa kusang darating din ito sa tamang panahon.
NOTE:
Malalaman ang anunsyo ng MASSIVE SELECTION sa HRD KOREA SITE mismo.
4.CONTRACT/CONTRACT TRANSFERRED:
- Hintaying mag-karoon ng CONTRACT.
- Kapag dumating ito, pumunta agad sa POEA upang i-sign ang iyong kontrata at huwag kalimutan dalhin ang mga sumusunod:
- PASSPORT
- XEROX COPY o SCAN PASSPORT,
- 500 pesos para sa TRAINING FEE (Refresher Course
- 100 pesos para sa pag-bubukas ng BANK ACCOUNT tulad ng OFW/Remittance,METROBANK,BDO, BPI,LANDBANK at iba pa.
- Magdala ng sariling BALLPEN at (2) dalawang valid ID para sa pag-oopen ng Bank Account.
- Maaring tumawag agad kung hindi makakapunta,dahil may tyantsa na marefuse ang iyong kontrata.
5. CCVI/VISA - Ang VISA ay nagkakahalaga ng 2,500 pesos
- Maari ng ayusin ang mga kinakailangan na requirements habang wala pa ang iyong CCVI/VISA
RE-MEDICAL - ay nagkakahalaga ng 1,200 - 1,500 pesos lamang
- Pangalawang medical, gaya nang una mong ginawa.
- Magdala ng PASSPORT, XEROX COPY o SCAN PASSPORT at 2pcs 2x2 PICTURE.
TB/SPUTUM TEST ay nagkakahalaga ng hanggang 1,200 pesos lamang
- Ito ay naging karagdagang test.Siguraduhing walang maging problema sa baga dahil naghihigpit sila sa PTB dahil madami ang bumabagsak sa medical pagdating ng korea.Maaaring magpa sputum test sa St. Lukes o Makati Med lamang.
- Magdala ng PASSPORT, XEROX COPY o SCAN PASSPORT at 2pcs 2x2 PICTURE.
TRAINING CERTIFICATE: (500 pesos)
- Refresher Course
- Ito ang iyong binayaran na 500Php. Umaabot ito hanggang limang araw (5 Days) at kailangan gumugol ng 45hrs sa loob ng limang araw
PEOS CERTIFICATE (PRE EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR): (Libre)
- Kailangan dumalo sa PEOS upang malaman ang mga hakbang na dapat gawin,kung magkano ang gastos na aabutin, korean culture at iba pa.Umaabot ito ng isang oras sa isang araw lang.
- Importante rin na magkaroon ng PEOS CERTIFICATE.
NBI ay nagkakahalaga ng 115 pesos kapag walk-in at 140 pesos naman kung dumaan ito sa online process.
- Eto ay patunay na walang naging kaso o bad record sa pilipinas
- Siguraduhin na Travel Abroad ang kukunin.
- Ito ay may 1 year validity.
SAMPLE NBI ONLY
- Kung dumating kaagad ang CCVI/VISA ay kailangan na rin ipasa ang mga requirements dahil ito ay umaabot lamang ng limang araw.
6. TED (TENTATIVE ENTRY DATE):
- Kapag may TED at CCVI/VISA na, punta agad sa POEA upang ipasa ang mga requirements,
TULAD NG MGA SUMUSUNOD:
- NBI,
- PASSPORT
- TRAINING CERTIFICATE
- PEOS CERTIFICATE
- MEDICAL RESULTS
- TB TEST CLEARANCE
- CONTRACT
- Kailangan rin mag-bayad ng 23-25k para sa airline ticket, poea processing fee, OWWA, Philhealth at Pag-ibig.
NOTE:
Kaya ito tinawag na tentative dahil pwde pa itong mabago o ma move.Ngunit huwag mag-alala kung ilang beses mamove ang flight mo.- Eto yung Pre-flight briefing. Usually 2-5 days before ang flight. Walang kailangan dalhin at kalahating araw lamang ang itatagal nito.
- Dito ibabalik ang iyong passport at explain ang mga dapat gawin sa airpot, mga pwedeng dalhin at bawal dalhin sa bagahe.
7. ACTUAL ENTRY DATE
- Eto ang araw ng iyong pag-alis patungo sa korea.Kadalasan alas dose (12AM) ng madaling araw ang flight kaya't dapat alas otso pa lang ng gabi (8PM) ay nasa airport na upang maiwasan na ma-late sa flight.
NOTE:
Bago umalis ng bahay huwag kalimutan dalhin ang mga napaka importanteng bagay, gaya ng:
TICKET
MGA IBA PANG IMPORTANT DOCUMENTS
KOREAN LANGUAGE REFERENCE- Ito ay libro na galing sa Refresher Course Training.
POCKET INFO REFERENCE:
- Note para sa mga importanteng detalye na kailangan, tulad ng Passport #, Flight Details at iba pa upang ito'y maiwasang maghalungkat sa loob ng eroplano.
POCKET MONEY
- Kailangan magdala ng pocket money hanggang 150$
- May 20-30k won na babayaran pagdating sa training center.
- Ilalagay ito sa iyong atm na ibibigay na galing training center, ito ay para sa insurance kaya't huwag itong iwiwithraw.
- 30-40k won para sa proseso ng ARC (Alien Registration Card)
NOTE:
- Mas magandang dagdagan ang dalang pocket money upang hindi kumapos lalo na't ikaw ay nag-uumpisa pa lamang sa trabaho at hindi pa makakasasahod.
- Mahal din ang mga bilihin sa korea tulad ng bigas at iba pa.
- Hindi lahat ng mapapasukan kumpanya ay libre sa pagkain kaya't hindi magkakasya ang 150$ na dala.
8. EMPLOYMENT TRAINING:
- Eto yung unang araw mo na makarating sa korea, ikaw ay mamalagi ng tatlong araw (3 DAYS) upang isagawa ang mga iilang bagay gaya ng Medical.
UNANG ARAW:
- Isasagawa ang HULING MEDICAL tulad ng BP,Dugo,X-ray at sa Mata.
- Magbayad sa mga fee's tulad ng casualty insurance
- Explanation kung paano magpadala ng pera sa pinas gamit ang Woori o IBK at dito din ipapasok ang sahod niyo,
- Pag-aaral tungkol sa korean culture, transportasyon, mga dapat gawin at hindi sa korea at marami pang iba.
PANGALAWANG ARAW:
- Discussion
- Lalabas ang Exam Result
PANGATLONG ARAW:
- Huling araw sa training, eto yung araw na i-aasign kana sa trabaho mo at susunduin ka ng employer mo lalo na kung malapit lang ang kumpanya mo sa training center.
- Para sa mga malalayo ang lugar ng kumpanya, kailangan sumakay ng bus at kung saan malapit o may mga respective areas ay doon kayo susunduin.
Kapag natapos na lahat ang proseso na ito, ikaw ay nagtagumpay na. na makarating ng korea at malaya mo nang tuparin ang iyong mga pangarap.
ADVICE:
Huwag kalimutan ang pinagmulan.Magtrabaho ng mabuti para sa pamilya, mamuhay ng simple, huwag mag-yabang at higit sa lahat huwag lalaki ang ulo! :)
Nais mag-suggest at commento?
Paano kung may chronic hep B carrier?pwedi pa ba mag abroad sa korea?
ReplyDeletePaano kung may chronic hep B carrier?pwedi pa ba mag abroad sa korea?
ReplyDeletethank you so much! mabuhay:-)
ReplyDeleteAnu pong mga medical test kukunin namin after skill test?
ReplyDelete