Tuesday, December 27, 2016

WORK IN KOREA (PROCESS)

WORK IN KOREA (PROCESS).


Ang KOREA ay isa sa mga bansang pinagpipilian mapuntahan ng mga pilipino,nais nilang makarating dito hindi dahil gusto nilang mamasyal, ay kundi dahil gusto nilang makapagtrabaho.

Marami ang nangangarap na makarating sa bansang korea upang makapag-trabaho bilang Factory Worker.Kaya't korea ang kanilang napili dahil nais nilang kumita ng malaki, matupad ang kanilangang mga pangarap at para may maitulong o maipadala sa kanilang pamilya.

Isa sa labing limang bansa ang pilipinas ang kasali sa Employment Permit System (EPS), Paraan ito upang maging legal ang pagpunta sa korea.Hindi biro ang pagdadaanang proseso bago ka makarating ng korea dahil maraming hakbang ang pag-dadaanan bago ka makarating sa bansang ito.

Marami ang pinapalad at marami din ang hindi.Isa sa mga mahalang kinakailangan ang maipasa ang exam o ang tinatawag nilang EPS-TOPIK.Kailangan mo munang mag-aral ng korean language upang may sapat na kaalaman at maging handa bago sumalang sa topik exam.

Ang TOPIK EXAM ay may 200 na puntos. 100 sa listening at 100 sa reading at 80 puntos ang kinakailangan upang maipasa ang exam.Ang exam ay may 50 items question lamang, 25 questions sa listening at 25 sa reading, 4 puntos kada tamang sagot. (50x4=200) kung ikaw ay nakakuha ng 20 na tamang sagot (20x4) ikaw ay may nakuhang 80 puntos at ito ay sapat na upang maipasa ang exam  pero depende padin ito sa numero ng mga pumasa at pwede rin itong mabago.

Ang exam ay may dalawang uri.

  • PBT (Paper Based Test) 
SAMPLE 1


SAMPLE 2

SAMPLE ANSWER SHEET

  • CBT (Computer Based Test).
SAMPLE 1

SAMPLE 2


Ang CBT ay para lamang sa mga nakabalik na na galing korea ngunit ginagamit narin ito sa mga first timer na mag-eexam.


MGA PAALALA:

*Siguraduhing may valid passport bago mag-aral ng korean language dahil isa ito sa napaka mahalagang kinakailangan. Hindi ka makakakuha o makakapag-sulit kung wala kang valid passport.

*Siguraduhing ikaw ay may edad na 18 - 38 years old Lamang.
*Siguraduhing ikaw ay physically and mentally fit.
*Siguraduhing walang anumang rekord ng napatunayang pagkakasala o pagkabilanggo
*Siguraduhing walang anumang rekord ng deportation o pag-alis ng mga order mula sa Republic of korea.

Narito ang mga hakbang: 

1.Mag-aral ng korean language sa mga Korean Training Center.
2.Gumawa ng E-REGISTRATION account. (Kailangan ng valid passport) upang magkaroon ng record sa POEA.


3.Kapag ika'y may sapat na kaalaman at handa na.Hintayin ang anunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung kailan magaganap ang exam at kung kailan ang araw ng pag-reregister.



SAMPLE PHOTO OF ANNOUNCEMENT OF TEST DATE

SAMPLE PHOTO ANNOUNCEMENT OF REGISTRATION DATE


4.Mag-register sa EPS-TOPIK exam upang mapasali ang iyong pangalan. (Manual or Online Registration). Ang Topik Fee ay nagkaka-halagang 24$ o 1,144Php.

  • Ang manual registration ay nagaganap lamang sa POEA mismo.


ONLINE REGISTRATION



STEP 1
(Ang Registration Number ay makikita mismo sa e-reg account.)



STEP 2
(Ang pagbabayad ng exam fee ay kinakailangan ng Landbank atm card (VISA).Pwedeng humiram sa kamag-anak o kaibigan na mayroon nito.)


LANDBANK ATM CARD

5.Pagkatapos mag-reg, SIguraduhin na may test permit.

STEP 3

6.Hintayin muli ang anunsyo ng POEA o HRD KOREA kung kailan ang araw ng iyong exam at kung saang eskwelahan.

FOR PBT ONLY


FOR CBT ONLY
Ang venue ng CBT ay nagaganap lamang sa POEA mismo.

7.Siguraduhing maipasa ang exam, dahil malaki ang iyong tyantsa na makapagtrabaho sa korea.

8.Hintayin ang RESULTA ng exam.

Umaabot ito hanggang dalawang linggo sa PBT at Buwan naman para sa mga CBT.
Dito din makikita kung pumasa ka o hindi ka pumasa.kapag ang pangalan ay wala sa listahan,automatic ay hindi ka pumasa.


PBT LISTS


CBT LISTS


Ang BLOG na ito ay base sa napag-daanang proseso lamang.
Nais mag-suggest at commento?

3 comments:

  1. Hi po! :) Can I contact you through your google account? May mga questions lang po sana ako. Salamat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok po, No problem...Feel Free to contact me :)

      Delete
  2. @Jayrenzo - No problem po, Feel free to contact me.

    ReplyDelete