Thursday, January 19, 2017

Online Registration Steps


STEP 1


1. I-click ang ONLINE REGISTRATION.

 

2. Punan lahat ang hinihinging impormasyon ng WASTO at KUMPLETO.


3. I-Upload ang iyong colored passport size ID picture at scanned Passport (JPEG Format dapat)
*PASSPORT SIZE ID - 35mm x 45mm size at 72 pixels/inch resolution, must not exceed to 1 MB 
file size and should be taken within 6 months.
*SCANNED PASSPORT SIZE - 90mm x 125mm size at 72 pixels/inch resolution, must not exceed to 1 MB file size.



4. I-Click ang SUBMIT.
*May box na lilitaw at Reference number.

TAKENOTE: 
*Isave o tandaan ang reference number, dahil ito ay gagamitin upang magbayad ng exam fee gamit ang Landbank E-payment portal.


I-Click ang PAY.


6. Piliin ang POEA - EPS TOPIK FEE






















I- Click ang NEXT.


7. Punan lahat ang hinihinging impormasyon ng WASTO at KUMPLETO.

*Ang exam fee amount ay may halagang 24USD (1,196 Pesos)
*Ang REGISTRATION NUMBER ay makikita sa iyong E-REG Account.

 

Ilagay ang CAPTCHA at Click NEXT.

8. Makikita ang total na babayaran.

I-click ang SUBMIT.



10.Piliin ang LANDBANK ATM CARD.Icheck ang maliit na box at I-click ang SUBMIT.


11. Ilagay ang 10 digit account number ng LANDBANK ATM CARD at JOINT ACOUNT INDICATIOR (JAI)

Note: Maaring humiram sa kamag-anak o kaibigan kung walang sariling ATM CARD.
*Tandaan lamang ang kanilang ATM Account Number at ang kanilang PIN/Password.








STEP 3:

12. I-click ang TEST PERMIT.






13. Ilagay ang REFERENCE NUMBER at I-click ang SUBMIT.


14. Pindutin ang CTRL+P sa iyong keyboard upang maiprint ang iyong TEST PERMIT.






Ang BLOG na ito ay base sa napag-daanang proseso lamang.
Nais mag-suggest at commento?

Tuesday, January 17, 2017

Making E-reg Account

1. Pumunta sa site ng POEA



2. Hanapin ang ONLINE SERVICES sa ibaba.


3. I-click ang E-REGISTRATION.


4. I-Click ang REGISTER HERE



5. Basahing mabuti ang instruction bago gumawa ng account.

6. I-Click ang continue.


7. Punan lahat ang hinihinging impormasyon ng WASTO at KUMPLETO.



8. I-click and SUBMIT













9. DONE


10. Tignan ang STATUS APPLICANT

*Tignan kung ito ay REGISTERED na.
*Maaring Tumawag sa numerong (02) 722-1146 kung ang iyong E-REG account ay NOT ACTIVE.


Ang BLOG na ito ay base sa napag-daanang proseso lamang.
Nais mag-suggest at commento?

Friday, December 30, 2016

2017 Massive Selection (EPI)

Notice of Employment Permit System. You can check the changed laws, new announcements or press releases.

If you have any questions, please contact the counseling center at 1350, 1544-1350.
Title [Score] 2017 Annual Score Operation Plan
Author
Attachment Yearly scoring plan for 2017.hwp
The new foreign manpower allocation plan for 2017 is shown below.
The following schedule is the annual plan. Subject to change in some circumstances.

□ applicable Industry: jeoneopjong (manufacturing, concentrated industry, fisheries, construction, services)
□ industry new issuance staff (a total of 10.53 thousand people)
 - Manufacturing: 6000 Name + resilient distributed
 - concentrated industries: 2,940 persons + elastic distribution
 - Fishing: 700 persons + elastic distribution
 - construction: 800 persons + elastic distribution
 -service: 90 persons + elastic distribution


○ 1ST QUARTER (FEBRUARY)
ㅁ Entry Period: Thursday, January 5, 2017 - Friday, January 20, 2017
ㅁ Results Announcement: Thursday, February 9, 2017
Issue of Employment Permit
Minority Sectors: Friday, February 10, 2017, Monday, February 13, 2017 to Tuesday, February 14, 2017
Manufacturing: Wednesday, February 15, 2017 - Friday, February 17, 2017, Monday, February 20, 2017


○ 2ND QUARTER (MAY)
ㅁ Registration period: Monday, April 3, 2017 to Monday, April 17, 2017
ㅁ Results Announcement: Friday, April 28, 2017
Issue of Employment Permit
Minority sectors (excluding service businesses): Tuesday, May 2, 2017, Monday, May 8, 2017 - Tuesday, May 9, 2017
Manufacturing: Wednesday, May 10, 2017 to Friday, May 12, 2017, Monday, May 15, 2017


○ 3RD QUARTER (AUGUST)
ㅁ Entry Period: Monday, July 3, 2017 to Monday, July 17, 2017
ㅁ Result Announcement: Friday, July 28, 2017
Issue of Employment Permit
Fishing and construction: Monday, July 31, 2017 - Wednesday, August 2, 2017
Manufacturing: Thursday, August 3, 2017 - Friday, August 4, 2017
Monday, August 7, 2017 - Tuesday, August 8, 2017


○ 4TH QUARTER (NOVEMBER)
ㅁ Submission Period: Monday, September 25, 2017 to Monday, October 16, 2017
ㅁ Result Announcement: Friday, October 27, 2017
Issue of Employment Permit
Fishing: Monday, October 30, 2017 to Wednesday, November 1, 2017
Manufacturing: Thursday, November 2, 2017 - Friday, November 3, 2017
Monday, November 6, 2017 - Tuesday, November 7, 2017


Credits to the Owner!
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED. 

Tuesday, December 27, 2016

EPS WORKER (PROCESS)

Paano mo ba malalaman kung may Employer ka na?

Sa pamamagitan ng EPS ACCOUNT doon mo malalaman kung may EMPLOYMENT PERMIT ISSUANCE (EPI) kana .Lahat ng pumasa sa TOPIK EXAM ay ito ang hinihintay dahil kapag nag-karoon kana nito sigurado ay makakaalis ka papuntang KOREA basta huwag lamang mag-kakaroon ng problema sa mga MEDICAL EXAMS o hindi ikakansela ng employer mo ang kontrata.

Meron din naman na kahit may kontrata at visa na, may mga nakakansela parin dahil ito sa may kadahilanan ang employer.Ang mga ganitong problema ay umuulit sa umpisa, maghihintay ka uli ng EPI o hintayin mo uling ma-select ka.

Kapag alam mong nakapasa ka at nakagawa kana ng EPS ACCOUNT, kailangan mong pumunta sa mga accredited clinic ng gobyerno (POEA) upang mag-pamedical. Dahil ito ay kinakailangan upang ipasa ang iyong mga impormasyon  sa HRD KOREA at upang mapasali ang iyong pangalan sa JOB ROSTER.Ang Validity ng Roster ay nagtatagal lamang ng isang taon. Ngunit maari itong irenew

PAALALA:

Kailangan ingatan ang ating kalusugan upang hindi magkaroon ng problema ang atin medical.Isa ito sa napaka importante na hindi dapat magkaroon ng problema sa dugo o sa baga.Marami din ang hindi pumapasa sa medical dahil sila ay may problema sa kalusugan at may mga napapauwi din na nasa korea na dahil may nakikitang problema lalo na sa baga.

Maari kang makaligtas sa mga medical sa pilipinas at maari mo itong dayain ngunit hindi mo ito magagawa kapag nasa korea na.Dahil sila ay napaka higpit pagdating sa medical.

Huwag ng ipilit ang sarili sa pag-aabroad sa korea kung alam mong hindi pwede,kung sa palagay mo ay may problema sa kalusugan mo, kailangan mo munang magpagaling bago mag-abroad upang hindi masayang ang lahat ng pagod at effort na gagawin mo.Higit sa lahat upang hindi masayang ang mga gagastusin mo.

Narito ang mga hakbang:

1. Pumunta sa mga mga ACCREDITED CLINIC ng gobyerno at mag-pamedical

2. Pagkatapos mag-pamedical.Pumunta sa POEA at humingi ng form upang ifill-up. Magtanong na lamang sa guard kung hindi alam kung saan pwede humingi ng form.

SAMPLE FORM

3.Ipasa ang FORM, MEDICAL (Xerox Copy lamang) kasama ang iyong PASSPORT SCAN at may ibibigay na stab na katunayan na ikaw ay nakapag pasa na at kung minsan naman ay walang stab.

4.DATA
  • Mag-hintay nang hanggang anim na linggo (6 weeks) Upang mag-karoon ng data ang iyong eps account o minsan mas napapa-aga ang pagkakaroon ng data.
  • Kapag lumipas ang anim na linggo at wala pang data ang iyong account. Maari kang tumawag sa poea at Ifollow-up ito. 
  • Numero na maaaring tawagan sa poea (02) 722-1146


NO DATA




AFTER 6 WEEKS

(Ang nakikitang numero na katabi ng PASS ay ang iyong score na nakuha sa exam, hatiin ito sa dalawa (44/2=22),

5. APPROVAL
  • Hintayin kung kelan ito i-aaprove ng HRD-KOREA.
  • Kailangan ang approval upang masali ang iyong pangalan sa JOB ROSTER,kung walang approval walang tyansa na mapasama sa MASSIVE SELECTION o walang tyansa na maselect ng employer.
  • Umaabot ito ng hanggang dalawang buwan (2months) o higit pa,kung minsan mas napapa-aga pa ito.


6. EPI (EMPLOYMENT PERMIT ISSUANCE)
  • Maghintay ng MASSIVE SELECTION o minsan kahit hindi massive ay pumipili ang employer at mag-abang kung ikaw ay maswerteng mapipili ng employer.Makikita sa iyong account ang ISSUED kapag naselect ka ng employer.
  • Matagal dumating ang EPI minsan ay umaabot ito ng taon o mahigit pa. Kaya huwag na huwag kang mawalan ng pag-asa kusang darating din ito sa tamang panahon.


NOTE:
Malalaman ang anunsyo ng MASSIVE SELECTION sa HRD KOREA SITE mismo.


4.CONTRACT/CONTRACT TRANSFERRED:
  • Hintaying mag-karoon ng CONTRACT.
  • Kapag dumating ito, pumunta agad sa POEA upang i-sign ang iyong kontrata at huwag kalimutan dalhin ang mga sumusunod:
  • PASSPORT
  • XEROX COPY o SCAN PASSPORT,
  • 500 pesos para sa TRAINING FEE (Refresher Course 
  • 100 pesos para sa pag-bubukas ng BANK ACCOUNT tulad ng OFW/Remittance,METROBANK,BDO, BPI,LANDBANK at iba pa.
  • Magdala ng sariling BALLPEN at (2) dalawang valid ID para sa pag-oopen ng Bank Account.
  • Maaring tumawag agad kung hindi makakapunta,dahil may tyantsa na marefuse ang iyong kontrata.


    5. CCVI/VISA - Ang VISA ay nagkakahalaga ng 2,500 pesos
    • Maari ng ayusin ang mga kinakailangan na requirements habang wala pa ang iyong CCVI/VISA

    RE-MEDICAL - ay nagkakahalaga ng 1,200 - 1,500 pesos lamang
    • Pangalawang medical, gaya nang una mong ginawa.
    • Magdala ng PASSPORT, XEROX COPY o SCAN PASSPORT at 2pcs 2x2 PICTURE.
    TB/SPUTUM TEST ay nagkakahalaga ng  hanggang 1,200 pesos lamang
    • Ito ay naging karagdagang test.Siguraduhing walang maging problema sa baga dahil naghihigpit sila sa PTB dahil madami ang bumabagsak sa medical pagdating ng korea.Maaaring magpa sputum test sa St. Lukes o Makati Med lamang.
    • Magdala ng PASSPORT, XEROX COPY o SCAN PASSPORT at 2pcs 2x2 PICTURE.
    TRAINING CERTIFICATE(500 pesos)
    • Refresher Course
    • Ito ang iyong binayaran na 500Php. Umaabot ito hanggang limang araw (5 Days) at kailangan gumugol ng 45hrs sa loob ng limang araw
    PEOS CERTIFICATE (PRE EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR)(Libre)
    • Kailangan dumalo sa PEOS upang malaman ang mga hakbang na dapat gawin,kung magkano ang gastos na aabutin, korean culture at iba pa.Umaabot ito ng isang oras sa isang araw lang. 
    • Importante rin na magkaroon ng PEOS CERTIFICATE.
    SAMPLE PEOS CERTIFICATE




    NBI ay nagkakahalaga ng 115 pesos kapag walk-in at 140 pesos naman kung dumaan ito sa online process.
    • Eto ay patunay na walang naging kaso o bad record sa pilipinas
    • Siguraduhin na Travel Abroad ang kukunin.
    • Ito ay may 1 year validity.
    SAMPLE NBI ONLY

    • Kung dumating kaagad ang CCVI/VISA ay kailangan na rin ipasa ang mga requirements dahil ito ay umaabot lamang ng limang araw.
    6. TED (TENTATIVE ENTRY DATE):
    • Kapag may TED at CCVI/VISA na, punta agad sa POEA upang ipasa ang mga requirements, 



    TULAD NG MGA SUMUSUNOD:
    • NBI,
    • PASSPORT
    • TRAINING CERTIFICATE
    • PEOS CERTIFICATE
    • MEDICAL RESULTS
    • TB TEST CLEARANCE
    • CONTRACT
    • Kailangan rin mag-bayad ng 23-25k para sa airline ticket, poea processing fee, OWWA, Philhealth at Pag-ibig.
    NOTE:
    Kaya ito  tinawag na tentative dahil pwde pa itong mabago o ma move.Ngunit huwag mag-alala kung ilang beses mamove ang flight mo.

    PDOS (PRE-DEPARTURE ORIENTATION SEMINAR)
    • Eto yung Pre-flight briefing. Usually 2-5 days before ang flight. Walang kailangan dalhin at kalahating aralamang ang itatagal nito. 
    • Dito ibabalik ang iyong passport at explain ang mga dapat gawin sa airpot, mga pwedeng dalhin at bawal dalhin sa bagahe.
    7. ACTUAL ENTRY DATE
    • Eto ang araw ng iyong pag-alis patungo sa korea.Kadalasan alas dose (12AM) ng madaling araw ang flight kaya't dapat alas otso pa lang ng gabi (8PM) ay nasa airport na upang maiwasan na ma-late sa flight.


    NOTE:
    Bago umalis ng bahay huwag kalimutan dalhin ang mga napaka importanteng bagay, gaya ng:

    PASSPORT
    TICKET
    MGA IBA PANG IMPORTANT DOCUMENTS
    KOREAN LANGUAGE REFERENCE
    • Ito ay libro na galing sa Refresher Course Training.
    POCKET INFO REFERENCE:
    • Note para sa mga importanteng detalye na kailangan, tulad ng Passport #, Flight Details at iba pa upang ito'y maiwasang maghalungkat sa loob ng eroplano.
    POCKET MONEY
    • Kailangan magdala ng pocket money hanggang 150$
    • May 20-30k won na babayaran pagdating sa training center.
    • Ilalagay ito sa iyong atm na ibibigay na galing training center, ito ay para sa insurance kaya't huwag itong iwiwithraw.
    • 30-40k won para sa proseso ng ARC (Alien Registration Card)
    NOTE:
    • Mas magandang dagdagan ang dalang pocket money upang hindi kumapos lalo na't ikaw ay nag-uumpisa pa lamang sa trabaho at hindi pa makakasasahod.
    • Mahal din ang mga bilihin sa korea tulad ng bigas at iba pa. 
    • Hindi lahat ng mapapasukan kumpanya ay libre sa pagkain kaya't hindi magkakasya ang 150$ na dala.
    8. EMPLOYMENT TRAINING:
    • Eto yung unang araw mo na makarating sa korea, ikaw ay mamalagi ng tatlong araw (3 DAYS) upang isagawa ang mga iilang bagay gaya ng Medical.

    UNANG ARAW:
    • Isasagawa ang HULING MEDICAL tulad ng BP,Dugo,X-ray at sa Mata.
    • Magbayad sa mga fee's tulad ng casualty insurance
    • Explanation kung paano magpadala ng pera sa pinas gamit ang Woori o IBK at dito din ipapasok ang sahod niyo,
    • Pag-aaral tungkol sa korean culture, transportasyon, mga dapat gawin at hindi sa korea at marami pang iba.
    PANGALAWANG ARAW:
    • Discussion
    • Lalabas ang Exam Result
    PANGATLONG ARAW:
    • Huling araw sa training, eto yung araw na i-aasign kana sa trabaho mo at susunduin ka ng employer mo lalo na kung malapit lang ang kumpanya mo sa training center.
    • Para sa mga malalayo ang lugar ng kumpanya, kailangan sumakay ng bus at kung saan malapit o may mga respective areas ay doon kayo susunduin.
    Kapag natapos na lahat ang proseso na ito, ikaw ay nagtagumpay na. na makarating ng korea at malaya mo nang tuparin ang iyong mga pangarap.



    ADVICE:
    Huwag kalimutan ang pinagmulan.Magtrabaho ng mabuti para sa pamilya, mamuhay ng simple, huwag mag-yabang at higit sa lahat huwag lalaki ang ulo! :)


    Ang BLOG na ito ay base sa napag-daanang proseso lamang.
    Nais mag-suggest at commento?

    VIEW SCORE IN HRD KOREA SITE

    Paano malalaman ang SCORE sa HRD-KOREA site kung ikaw ay pumasa o hindi pumasa?

    Kadalasan mas nauuna mag-anunsyo ang HRD KOREA kesa sa POEA kaya una mo itong makikita sa HRD, Kinabukasan ay makikita mo narin ito sa POEA.

    Narito ang mga hakbang:

    1. Pumunta sa HRD KOREA site.



    2. I-click ang kulay orange na may naka sulat na EPS-TOPIK.




    3. I-click ang ENGLISH HOMEPAGE 


    4.I-click ang TEST RESULTS upang lumabas ang mga categorya.Piliin o pindutin ang SEE EXAM RESULTS.



    5. I-Select ang PASSPORT.Ilagay ang impormasyon na hinihingi.
    • PASSPORT #
    • BIRTH YEAR
    • BIRTH MONTH
    • BIRTH DAY


    6. I-Click ang CONFIRM



    7. Lalabas ang iyong SCORE






    Ang BLOG na ito ay base sa napag-daanang proseso lamang.
    Nais mag-suggest at commento?